Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Serbisyo Caravan sa mga Barangay, umarangkada muli sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Muling nagbabalik ang programang Serbisyo Caravan sa mga Barangay ng lokal na pamahalaan ng Odiongan nitong September 22.

Sa nasabing programa ay isang buong hapon nasa barangay ang iba't ibang departamento ng LGU Odiongan katuwang ang iba pang national agencies para magbigay ng assistance sa mga residente sa lugar.

Ilan sa mga inilapit na serbisyo ng LGU Odiongan sa barangay ay ang libreng medical serbives, libreng anti-rabies vaccination at deworming sa mga alaga, libreng mga binhi, libreng pagrequest ng birth/death/marriage certificates, libreng counselling at marami pang iba.

May handog ring libreng manicure, pedicure, at haircut sa nasabing karaban.

Ang Serbsiyo Caravan ay isa sa mga programang sinimulan ni Mayor Trina Firmalo-Fabic nang ito ay maupo sa puwesto noong 2016. (PJF)


Ang larawan sa itaas ay mula kay Edwin Gan

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch