Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 37K na students in crisis situation sa Cordillera, nabigyan ng educational assistance

BAGUIO CITY (PIA) -- Kabuuang 37,347 na students in crisis situation ang natulungan sa isinagawa ng Department of Social Welfare and Development - Cordillera (DSWD-CAR) na limang Sabado na payouts para sa Educational Assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
 
Batay sa tala ng ahensiya, kabuuang P96,106,000.00 ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa rehiyon.


Karamihan sa mga ito ay college students na aabot sa 13,341 (P53,380,000), elementary beneficiaries na 10,376 (P10,376,000), junior high school beneficiaries na 8,593 (P17,188,000), at senior high school beneficiaries na 5,037 (P15,162,000).

Pamamahagi ng educational assistance sa mga students in crisis situation sa Apayao nitong Setyembre 24, 2022. (SWAD Apayao)

Inihayag ni DSWD-CAR Regional Director Leo Quintilla na sa limang linggong pamamahagi ng kagawaran ng educational assistance ay nakita nila kung ano ang kalagayan ng mga students in crisis situation sa rehiyon.
 
Aniya, hindi nila inasahan na marami ang magrerehistro para sa nasabing ayuda, patunay na marami ang nangangailangan.

Si DSWD-CAR Regional Director Leo Quintilla. (PIA-CAR)

"Kami po ay binaha. Hindi po namin na-anticipate na ganun pala karami 'yung pupunta sa opisina, having there themselves as students in crisis. The five weeks of our educational assistance has opened our awareness of the situation of our children especially students in crisis situation," saad ni Quintilla.
 
Sa buong Cordillera ay umabot aniya sa 130,000 ang mga nagrehistro ngunit sa isinagawa nilang validation, lumabas na may mga estudyanteng nagrehistro ng ilang beses.
 
"Isang bata nag-register sampung beses. Ibig sabihin kailangan talaga nila. Second, there are registrants with the age of 13 because of the access to technology," dagdag ng opisyal.
 
Una nang inihayag ni Quintilla na bagama't tapos na ang itinakdang araw ng pamamahagi ng educational assistance, patuloy pa rin silang magbibigay ng tulong. Aniya, sinisikap nilang maghanap ng karagdagang pondo upang matugunan ang pangangailangan ng iba pang mga benepisyaryo. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch