Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sectoral representatives sa Lamitan City nanawagan ng pagkakaisa para sa kapayapaan

ISABELA CITY, Basilan Sept. 26 (PIA) - Sama-sama ang ibat-ibang sektor sa Parangbasak, Lamitan City na nagmartsa kamakailan bilang paggunita sa International Day of Peace.

Hawak ang kanilang mga banners at tarpaulin na may mensahe at panawagan upang mas palakasin ang kampanya para sa kapayapaan. Naglakad ang ibat-ibang grupo papunta sa kanilng barangay hall kung saan idinaos ang programa.

Bawat kinatawan mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno at pribadong organisasyon ay nagbigay ng kanilang mga mensahe na nakatuon sa mas malawakang pagtataguyod ng kapayapaan. Hangad nila na pagsumikapan pa ang hangaring maitaguyod ang pangmatagalang kapayapaan sa probinsya upang mamuhay ang bawat isa ng payapa at maunlad.

“Lahat naman tayo ay naghahangad ng kapayapaan hindi lamang para sa sarili natin kundi para sa ating mga pamilya, mga anak at anak ng ating anak. Handa kaming makipagtulungan upang makamit natin ang kapayapaan na hinahangad nating lahat,” pahayag ni Ricky Ulang mula sa grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa grupo naman ng mga Moro Islamic Liberation Front (MILF), ipinahayag ni Abuqhasmier Ahmad ang kanilang kagustuhan na matamasa ang kapayapaan at handang makipagtulungan upang maitaguyod ito sa Basilan.

“Kung gusto ninyo ng kapayapaan, gusto rin namin ng kapayapaan. Gusto naming maranasan ng aming pamilya kung paano mamuhay ng tahimik at malaya ng walang kinatatakutan, handa rin kaming makipagtulungan para sa kapayapaan ng ating komunidad,” pahayag ni Ahmad.

Hangad din ng mga stakeholders na magkaisa ang mga pinuno sa rehiyon ng bangsamoro upang matamasa ang hinahangad na pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Ang peace rally ay inisyatibo ng Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) sa paggunita ng International Day of Peace o World Peace Day tuwing ika-21 ng Setyembre kada taon. Ito ay alinsunod sa deklarasyon ng United Nations General Assembly noong 1981. (RVC/EDT/NDR/PIA Basilan)

About the Author

Nilda Delos Reyes

Information Officer I

Region 9

Feedback / Comment

Get in touch