Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Unang Modular Ecology-Friendly Domestic Wastewater Treatment system sa Calabarzon, binuksan sa Mabini

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Isinagawa ang inagurasyon sa pinakaunang Modular Ecology-Friendly Domestic Wastewater Treatment (MEDOWW) System Technology sa Calabarzon na matatagpuan sa Brgy. Anilao sa bayan ng Mabini noong ika-22 ng Setyembre.

Ang naturang teknolohiya ang naging kasagutan ng Department of Science and Technology (DOST) Calabarzon sa panawagan ng lokal na pamahalaan ng Mabini para sa isang science  and technology-based solution upang mapangalagaan ang kalikasan lalo na sa mga wastewater na itinatapon dito.

Ayon kay DOST Cabarzon Regional Director Emelita Bagsit, layon ng teknolohiyang  ito ang mapabuti ang wastewater management sa bahagi ng Municipal Tourism Office building at Anilao Public Market sa pamamagitan ng paggamit ng kumbinasyon ng anaerobic at aerobic mechnisms at ginagamitan ng Vigormin organominerals.

Ang proyekto ay dumaan sa pag-aaral ng Adamson University sa pamamagitan ni Dr. Merlinda Palencia at pinondohan ng DOST- Phillippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD).

Malaki ang maitutulong ng MEDOWW sa bayan ng Mabini sapagkat masasagot nito ang ilang healthhealth risk na dulot ng problema sa sanidad, hindi epektibong septic system,maling pagkakagawa ng drainage system at kontaminasyon sa tubig.

Nakibahagi sa inagurasyon ang lokal na pamahalaan ng Mabini na pinangunahan ni Mayor Nilo Villanueva, 2nd District Rep. Gerville Luistro, mga kawani ng Mabini Tourism Office at iba pang kawani ng munisipyo, kapulisan,resort /transient owners.

Ayon kay Mayor Villanueva, malaki ang kanilang pasasalamat sa DOST sa pagtulong sa kanila sa paglalagay ng proyekto at ito ang maaaring gamitin batayan upang ang mga may-ari ng resorts ay gumaya at maglagay ng sariling MEDOWW technology sa kanilang mga beach resorts/hotels.

Alinsabay din sa ginawang inagurasyon ang paglulunsad ng produkto ng Mabini Tablea Food Producer Association (MABLEA), isang micro-small and medium enterprise (MSME;s) na gumagawa ng mga produkto kung saan ang pangunahing sangkap at ang tablea o cacao na siyang ipinagmamalaking produkto sa Mabini. (MDC/PIA-Batangas)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch