Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ikatlong transport ng mga narra lumber, nasabat muli sa Aritao, Nueva Vizcaya

Nasabat muli ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) ang pangatlong bulto ng ilegal narra lumbers kamakailan na tangka sanang ilabas matapos ang paghagupit ng bagyong 'Karding' sa rehiyon dos. Ang ilegal na forest products ay 2,520.75 board feet at 104 na piraso ng narra na nagkakahalaga ng P1.2 million. Larawan mula sa DENR Cagayan Valley

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Nasabat muli ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) ang pangatlong bulto ng ilegal narra lumbers kamakailan na tangka sanang ilabas matapos ang paghagupit ng bagyong 'Karding' sa rehiyon dos.

Sakay ng isang white Fuso Van, itinangka ng dalawang katao na ilabas muli sa rehiyon dos ang 2,520.75 board feet at 104 na piraso ng narra na nagkakahalaga ng P1.2 million.

Ang ilegal na kargamento ay nasabat ng mga kawani ng DENR at PNP sa South Exit Monitoring Station sa barangay Calitlitan sa bayan ng Aritao.

Ayon kay Developlent Management Officer Jay Marshal Jasmin, team leader ng DENR monitoring station, walang legal na dokumento ang mga narra lumber kung kaya't kinumpiska ito at nasa pangangalaga na ngayon ng mga kawani ng DENR.

Nakaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Reformn Code of the Philippines ang dalawang katao dahil sa nasabing insidente.

Ang bagong insidente ng illegal transport of undocumented lumbers ay pangatlong ulit nang nangyari sa bayan ng Aritao at Sta. Fe kung kaya't may utos si DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan sa mga tauhan nito sa rehiyon dos na pag-ibayuhin ang pagbabantay at pagmamatyag sa mga checkpoints upang matigil ang pagpupuslit ng mga ilegal forest products mula sa cagayan valley region. (MDCT/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch