No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bakunahang Bayan, umarangkada sa Lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Umarangkada na ang Bakunahang Bayan, PinasLakas Special Vaccinations Day sa SM City Batangas noong ika-27 ng Setyembre.

Sa mensahe ni Atty. Reginald Dimacuha, Special Assistant to the Mayor, sinabi nito na hindi tumitigil ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa mga programang may kinalaman sa paglaban sa COVID 19 at pagsugpo sa pandemya.

“Simula nang ideklara ang pandemya, patuloy ang pamahalaang lungsod sa paghahanap ng mga paraan upang tugunan ito tulad ng pagdaragdag ng isolation facilities, information dissemination para sa tamang kaalaman ng mga mamamayan, pamamahagi ng mga anti-COVID supplies at marami pang iba. Maging hanggang ngayon na ibinababa na sa Alert Level 1 ang estado ay pinalalakas naman natin ang pagbibigay ng bakuna at booster shots upang mas malaki ang maging laban sa virus,” ani DImacuha.

Samantala, binigyang-papuri ni Department of Health Undersecretary Dr. Lilibeth David ang mga naisakatuparan ng pamahalaang lungsod sa COVID-19 vaccination campaign kung saan makikita ang mataas na porsiyento ng nabakunahan dito na dala ng pagiging masigasig ng mga namumuno at nagpapatupad ng programa.

Sa ulat na isinagawa ni Liceria Garcia, Nurse II ng City Health Office nakapagtala ng 93.6% na nabigyan ng first booster sa target population at 94% sa mga senior citizen ang fully vaccinated batay sa tala noong Setyembre 23.

Sinabi naman ni Dr. Angela Grace Alegre, Assistant City Health Officer na maraming mga proyekto ang magkatuwang na itinaguyod ng pamahalaan at pribadong sector upang higit n a mapaigting ang vaccination drive nito noong Abril 2021.

Sa kasalukuyan namimigay ng limang kilong bigas sa bawat magpapa-booster ngayon at may mga vaccinations na ginagawa sa terminal, palengke, shopping mall at bumababa na din sa mga barangay lalo na sa malalayo.

Nagsagawa din ng ceremonial vaccination para sa mga batang 5-11 years old at 1st booster sa iba’-ibang kategorya. (MDC/PIA BATANGAS)


About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch