Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Metro Manila Subway target matapos sa 2028 -DOTr exec

(Kuha ni Gelaine Louise Gutierrez/PIA-NCR)


MAYNILA, (PIA) -- Matapos pangunahan ng Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang groundbreaking ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway project sa Lungsod Pasig nitong Lunes, target umanong matapos ng gobyerno sa 2028 o 2029 ang kauna-unahang underground railway system sa bansa, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez nitong Lunes.

Pahayag ni Chavez, ang "average completion time" para sa mga subway system project sa ibang bansa ay tumatagal ng mula anim hanggang pitong taon.

Ang isa sa mga contractor natin ay siya ring gumawa ng subway sa Tokyo, Indonesia, Vietnam, Singapore. Naga-average po ng six to seven years ang construction at ganun din sa Pilipinas. So sa nang pag-aaral, tapos ito by 2028 to 2029,” aniya.

Sinabi pa ng opisyal na ang railway system ay magiging "substantially operational" mula sa East Valenzuela at Shaw Boulevard stations pagdating ng 2028.

Ang subway railway project ay may habang 33 kilometro at binubuo ng 17 istasyon mula Valenzuela City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ani Chavez, nagsimula na ang konstruksiyon sa East Valenzuela station at depot, gayundin sa North Avenue station.

Ang contract signing para sa Packages 2 at 3, kabilang ang mga istasyon sa Ortigas, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, at Katipunan ay gaganapin sa susunod na buwan, aniya.

Muli ring iginiit ng DOTr official na magiging "resilient" ang Metro Manila Subway project sa lindol at baha, dahil magkakaroon ito ng teknolohiyang katulad ng Japan na madalas makaranas ng lindol.

Alam niyo naman ang sitwasyon, maya't maya lumilindol sa Japan. Wala tayong problema doon. The same technology, system, and procedure ang gagamitin dito sa pagbubuo ng Metro Manila Subway project,” aniya. (PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

National Capital Region

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch