Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

OWWA-2 nag-abot ng tulong sa mahigit 150 benepisyaryo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Idinaos kamakailan ng Overseas Workers’ Welfare Administration - Region 2 (OWWA-2) ang seremonya ng paggawad ng mga tulong pinansiyal para sa mga kwalipikadong benebisyaryo na ginanap sa siyudad na ito.

Ang mga benepisyaryo, na nasa 150 katao, ay nangmula pa sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Cagayan.

Sila ay nahahati sa iba’t ibang programa para sa mga dating OFW at mga kamag-anak ng OFW, kagaya ng Balik Pinas Balik Hanap-Buhay Welfare Assistance Program, Livelihood Development Assistance Program, at Tulong PUSO Program.

Ang mga benepisyaryo mismo ang tumanggap ng kani-kanilang mga benepisyong pinansyal kina OWWA-National Reintegration Center for OFWs (NRCO) Director Dindi Tan at kay Provincial First Lady Atty. Mabel Villarica-Mamba. (OTB/JKC/PIA Region 2)

Ang mga benepisyaryo mismo ang tumanggap ng kani-kanilang mga benepisyong pinansyal kina OWWA-National Reintegration Center for OFWs (NRCO) Director Dindi Tan at kay Provincial First Lady Atty. Mabel Villarica-Mamba.

About the Author

Jan Karl Coballes

Regional Editor; Research and Development Officer; Tuguegarao City and Batanes Information Center Manager

Region 2

Ibanag. Writer. Researcher. Ethnographer. Ethno-historian. Graduate student focusing on linguistic and cultural anthropology.

Feedback / Comment

Get in touch