Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

9th ID Spear Division ipinagdiwang ang 18th taong pagkakatatag

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur (PIA) —“Isang simpleng pagdiriwang ang aming ginawa . Wala kaming mga VIP, ang  aming mga sundalo ang aming VIP.”

Ito ang tinuran ng Pinunong Heneral ng Dibisyon ng 9th Infantry na si Major General Alex Luna sa panayam ng mga miembro ng media sa katatapos pa lamang na pag diriwang ng ika- labing walong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippine Army dito sa Bikol.

Ayon kay Luna, dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID 19 ay minabuti nilang sila-sila muna ang magsagawa ng ilang aktibidad na may layuning mas pang palakasin ang pagkakaisa ng kanilang mga sundalo pati na rin mga civilian employees ng 9th ID.

Pinangunahan ni 9th Infantry Division Commander Major General Alex Luna ang Golf tournament na isa sa mga naging aktibidad sa katatapos pa lamang na 9ID 18th Founding Anniversary na ginawa sa Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur kamakailan. (Photo credits: 9ID FB page/ DPAO)

“Sinisimbolo ng aming pag diriwang ang pagkakaisa ng unit at para magbalik- tanaw kung ano ang nangyari sa  nakalipas na taon. Sa katotohanan, baka ito ang unang selebrasyon ng 9ID after na magsimula ang pandemic  nitong 2020.  Kasi hindi tayo maka pag celebrate dahil may kailangan na mga sunding protocol sundin. Gayunpaman, sinunod naman natin yong mga protocol dahil mas maluwag na ngayon ang requirement ng IATF kaya nagawa na  natin na ipagdiwang ang aming anibersaryo,” ani MGen Luna.

Ilan sa mga naging aktibidad na ginawa sa loob ng kampo ay ang DRO at Squad Challenge, fun-bike, fun-shoot, golf tournament at ang pinaka aabangang field day ng mga sundalo.

Maliban sa mga larong nabanggit, ay nabigyan din ng parangal ang ilang mga kawal ng 9th Infantry “SPEAR” Division dahil sa ipinamalas nilang galing at malaking kontribusyon sa laban ng pamahalaan kontra insurhensya

Sa ilalim ng Unit Awards ay nabigyan ng parangal ang 903rd (Patriot) Brigade sa pamumuno ni Brigadier General Aldwine Almase, 2nd Infantry (Second to None) Battalion na pinamumunuan naman ni Ltcol. Orlando Ramos at ang 92nd DRC sa ilalim ng pangangasiwa ni 1Lt. Aldin Escolano.

Nabigyan din ng parangal sina AJ Tuballas bilang Best Junior Officer for Operations, 1Lt. Cielo Rose Dolorican bilang  Best Junior Officer for CMO, at 1Lt. Xerxes Yance Zeus Margen bilang Best Junior Officer for Intelligence.

Bago pormal na umpisahan ang pag diriwang ng isang linggong paggunita ng ika-labing walong pagkakatatag ng 9th Infantry Division ay nagsagawa muna ng wreath-laying ceremony sa loob ng Camp Elias Angeles na pinangunahan mismo ni MGen Luna. (Mula sa ulat ng 9ID DPAO- PIA5/Camarines Sur) 

(Photo Credits: 9th ID FBpage/DPAO)

About the Author

Ana-liza Macatangay

Regional Editor

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch