No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

164 volcanic earthquakes naitala sa bulkang Bulusan

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Nakapagtala ng 164 na volcanic earthquake sa bulkang Bulusan sa loob ng 24 oras noong Huwebes.

Habang sinusulat ang balitang ito kahapon, Biyernes, ika-14 ng Oktubre, nanatiling namamaga ang bulkang Bulusan kaya nanatili rin ang Alert Level 1 sa bulkan.

Kaugnay nito nagpaalala sa publiko si April Dominguiano, Bulusan resident volcanologist ng Philippine Volcanology and Siesmology (PhilVolcs), na huwag pumasok sa 4-kilometers permanent danger zone (PDZ) at maging maingat sa 2-km. extended danger zone (EDZ) sa gawing timog-silangan.

Bawal rin ang anumang aircraft na dumaan malapit sa tuktok ng Bulusan.

Aniya maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

Paalala pa ni Dominguiano sa mga nakatira malapit sa ilog ngayong tag-ulan na maging alerto sa pagragasa ng lahar at sa posibleng eruption na pwedeng sabayan ng malakas na pag-ulan. (PIA 5/Sorsogon)

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch