No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kaso ng COVID-19 sa QC, muling bumaba

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --Muling bumaba ang naitalang bilang ng bagong kaso sa Lungsod Quezon.

Mula sa dating 211 average daily cases, nasa 203 cases na lamang ito kahapon, Huwebes.

Kasabay nito, bumaba rin ang positivity rate sa 16.4% mula sa dating 19.2%. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.

Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay 1.03, mas mataas ng bahagya kumpara sa 0.97 noong nakaraang linggo.

Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus. Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Nananatili naman sa moderate risk level ang lungsod.

Bagamat bumababa ang mga datos ay patuloy pa ring pinag-iingat ng pamahalaang lungsod ang lahat lalo na at may kumpirmadong kaso na ng Omicron XBB at XBC variants dito sa Pilipinas. (QC PAISD/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

National Capital Region

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch