Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Albay, napanatili ang zero casualty kay TS Paeng

Kahandaan sa kalamidad, mas pinag handaan

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) -- Napanatili ng lalawigan ng Albay ang zero casualty para sa bagyong Paeng, ayon kay Albay Public Safety and Emergency Office Chief Dr. Cedric Daep.

Ito ay sa gitna ng panganib na dala ng lahar flow mula sa Bulkang Mayon, gayundin ng storm surge, pagbaha at landslides. Kasalukuyang nasa Alert level 2 ang naturang bulkan.  

"Ito ay dahil sa mas pinatatag na kahandaan ng komunidad na nakatutok sa real-time warning at timely evacuation ng vulnerable population," pahayag ni Daep.

Mahigpit na ipinatupad ni Albay Gov. Noel Rosal ang pre-emptive evacuation at "Evacuation is better than rescue" sa tulong ng mga local government units at ahensya ng pamahalaan sa lalawigan.

Kanya ring pinasalamatan ang kooperasyon ng mga Albayanos at LGUs upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at mapanatili ang zero casualty sa panahon ng kalamidad.


“Walang rescue sa kasagsagan ng bagyo sa Albay”

Sa lungsod ng Tabaco, nagkaisa ang lokal na pamahalaan at mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng forced evacuation ng mga pamilya na malapit sa karagatan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. (Photo by Tabaco CDRRMO)

Binigyang diin ni Daep na hindi nagsasagawa ng rescue ang pamahalaang lalawigan sa kasagsagan ng bagyo o anumang kalamidad dahil sinisiguro nilang mailipat ang mga apektadong komunidad sa mga ligtas na evacuation centers.

"Wala na tayong rescue dahil nagpaevacuate na tayo. Ang principle na pinapairal dito sa Albay, "Evacuation is better than rescue." Kung may mamamatay dahil they choose not to evacuate, di na natin dadagdagan yan," ani Daep.

"Dapat lahat safe. Mageevacuate tayo, hindi rescue. Sa kasagsagan ng bagyo, walang gagalaw. Maghihintay lang tayong humupa ang bagyo. Gagalaw tayo pag tapos na ang bagyo,” dagdag niya.

Binigyang diin ni Albay Public Safety and Emergency Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep (left) na walang rescue sa kasagsagan ng bagyo o anumang kalamidad dahil mahigpit na ipinatutupad ang evacuation upang masiguro ang kaligtasan ng mga responders at apektadong komunidad.

Mahigpit din na ipinagbawal ang sailing, river crossing, swimming at iba pang aktibidad sa katubigan samantalang inilipat naman ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa lalawigan sa mga evacuation centers.

Sinuspendi rin ang klase sa lahat ng mga paaralan at trabaho sa mga pribado at pampublikong opisina upang makapaghanda.

Tuwing bagyo ay nagkakaisa rin ang mga Albayano sa pagdarasal ng Oratio Imperata bilang spiritual intervention sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad. (SAA/PIA5/Albay)

About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch