Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng Sakay sa LRT-2 para sa mga estudyante, hanggang Nob. 5

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Hanggang sa Sabado na lamang, Nobyembre 5 ang programang libreng sakay para sa mga estudyante. paalala ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Ayon sa LRTA, simula sa Nobyembre 6, maaari nang mag-avail ulit ng 20 percent (20%) discount ang mga mag-aaral. Ipakita lamang ang school ID o proof of enrollment sa Passenger Assistance Office o Ticket booth.

Samantala, umabot naman na sa 1,527,219 ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-2 sa loob ng 58 na araw simula nang ipatupad ang programa.

Matatandaang ipinatupad ng pamahalaan ang libreng sakay noong Agosto 22 upang makatulong sa mga estudyante na naapektuhan ang pag-aaral bunsod ng pandemya. Gayundin, upang matulungan ang mga magulang na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.

Samantala, patuloy ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa loob ng mga tren at mga istasyon ng LRT-2. (LRTA/PIA-NCR)


#ExplainExplainExplain

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch