Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

IPMR league nabuo sa Davao Region

DAVAO CITY (PIA) – Nagtipon tipon ang mahigit isang daang Indigenous People Mandatory Representatives (IPMRs) ng Davao Region sa ginanap na IPMR Summit sa Davao City, kung saan nabuo ang IPMR league.

Ito ang kauna unahang IPMR Summit na ginanap sa pangunguna ng National Commission on Indigenous People, na layong ma organisa ang mga IPMRs sa bawat rehiyon at sa buong bansa.

Mahigit 140 provincial, municipal at city IPMRs galing sa iba’t ibang grupo ng mga katutubo, ay dumalo sa IP Summit kung saan namili sila ng unang opisyales ng Regional IPMR League, na syang kauna unahang nabuo sa bansa.

“Ito’y naka konekta o naka angkla doon sa gagawin natin sa national, na national IPMR summit league kung saan mamimili rin sila ng national leaders nila na mga IPMRs at yun ay gagawa tayo ng isang organization na kumakatawan sa mga IPMRs sa buong bansa,” ayon kay Reynaldo Dingal, NCIP bureau director ng Office of Empowerment and Human Rights.

Sinabi ni Dingal, ang pagtatatag ng IPMR leagues ay isang paraan ng pagkakaisa ng mga katutubo, ang pagkakaroon ng isang boses, at magiging katuwang ng NCIP sa pagtataguyod at pagpapalaganap ng mga polisiya at adbokasiya para sa mga IPs at sa indigenous cultural communities (ICCs) sa bansa.

“Magkaroon siya ng mga collective na mga programa at activities and projects na dadalhin sa national, sapagkat ang NCIP kailangan din ng isang katuwang sa pagpapalaganap nitong kanyang mga polisiya,” pahayag ni Dingal.

“Lalong-lalo na sa paghingi ng mga budgets sa pangangalap ng mga proyekto para sa mga indigenous peoples sa iba’t ibang communities ng ancestral domain sapagkat maraming mga programa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na pinatutupad para sa mga indigenous peoples,” dagdag pa niya.

Layon din ng NCIP na mairehistro ang IPMR leagues sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang maging ganap na lehitimong grupo ng mga IPMRs, katulad ng League of Municipalities or League of Councilors of the Philippines.

“We’re so very glad to inform everybody that the IPMRs league of Davao Region is already organized,” sabi naman ni Davao del Sur provincial IPMR Bae Norma Rivera na syang kauna-unahang napiling presidente sa regional league.   

Ibinahagi ni Rivera na meron ng inisyal na plano ang mga opisyales, pero kinailangan pa nilang pag usapan at planuhing mabuti, kasama ang lahat ng provincial IPMRs at board of trustees.

“Sa lahat ng mga IPs sa Davao Region, let us work hand in hand for the success of the sustainable peace and development of our individual IP communities,” panawagan ni Rivera.

Ang iba pang napili na mga opisyales ay ang sumusunod: vice-president Eleuterio Manaytay (Davao Oriental); secretary Fulong Marcelino San (Davao Occidental); treasurer Albert Camana (Davao de Oro); and auditor Datu Ariel Marcla (Davao del Norte).

Ang mga napiling public information officers: Bae Jessica Ado (Tagum City), Marcelo Ngap, Jr. (City of Samal), Bae Linda Regidor (Digos City); Matanem Jonathan Awing (Davao City), Likid Baudillo Miones (Mati City) and Datu Rodrigo Ambasan (Panabo City). (PIA-XI, Carina L. Cayon/Photo by Loel Balangauan)

About the Author

Carina Cayon

Regional Editor

Region 11

Feedback / Comment

Get in touch