Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI, sisimulan na ang price monitoring sa mga noche buena products

Personnel of DTI Baguio - Benguet conducts price monitoring of basic necessities and prime commodities in different establishments in the locality. (File: DTI Baguio-Benguet)

BAGUIO CITY (PIA) -- Sisimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) Baguio - Benguet ang pag-monitor sa presyo ng mga noche buena products kapag inilabas ng kagawaran ang Suggested Retail Prices (SRP) ngayong linggo.
 
Inihayag ni DTI-CAR Assistant Regional Director at DTI Baguio - Benguet Provincial Director Atty. Samuel Gallardo na sisimulan na sana ng kanilang tanggapan ang price monitoring ngunit hinihintay pa nila ang ilang paglilinaw ukol sa SRP.
 

"Kung wala pa ring clarification on that matter (SRP), gamitin namin 'yung existing SRPs as basis," saad ni Gallardo.

Sa Baguio City at Benguet ay 54 na establisyemento ang kanilang imo-monitor kaugnay sa mga noche buena products.
 
Aniya, sa lungsod ng Baguio ay lingguhan ang pagbabantay nila sa presyo habang nakatakda naman ang pagbisita nila sa mga bayan ng Benguet ngayong Nobyembre.
 
Kaugnay nito ay umapela si Gallardo sa mga establisyemento na sumunod sa SRPs na ilalabas ng DTI.

Si DTI-CAR Assistant Regional Director at DTI Baguio - Benguet Provincial Director Atty. Samuel Gallardo (PIA-CAR)

"Kadagitoy establishments tayo, we hope that they will comply with the advice and the notices given by the DTI panggep ti Suggested Retail Prices lalo ti noche buena products gapuen ta tatta nga panawen, medyo critical ti availability dagitoy produkto (Sa mga establisyemento, we hope that they will comply with the advice and the notices given by the DTI kaugnay sa Suggested Retail Price lalo na sa noche buena products dahil ngayong panahon, medyo kritikal ang availability ng mga produktong ito)," ani Gallardo.
 
Hinikayat din nito ang mga konsyumer na huwag mag-panic buying at bumili nang naaayon sa kanilang pangangailangan.

"We also urge our consumers not to buy more than what they need, diyay panic buying that some consumers do, we discourage that but rather, we encourage them to check for prices in different establishments and then buy based on their needs and capability to pay," aniya.
 
Pinayuhan nito ang mga konsyumer na kapag may mga makitaan sila ng over pricing sa mga basic necessities at prime commodities ay agad na i-report sa kanilang opisina para ma-evaluate kung may basehan sa magiging aksyon ng tanggapan. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

Cordillera Administrative Region

Feedback / Comment

Get in touch