Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PBBM: P20/kilong bigas, malapit na

PHOTO CAPTION: Patok sa Kadiwa sa Pasko sa Marikina City and P25/kilo ng bigas na pinilahan ng mga mamimili. Alas-10 pa lang ng umaga naubos na agad ang sampung sakong bigas na dala ng National Food Authority.


LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) – “Palapit na tayo dun sa aming pangarap na mag-P20 (per kilo of rice) pero dahan-dahan. Aabutin din natin yan.”

Iyan ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa grand launch ng Kadiwa ng Pasko Project sa lungsod Mandaluyong.

“‘Pag bibili ng bigas kinukuha sa NFA, kinukuha sa buffer stock… hindi kumikita ang NFA. Kung ano ‘yung pinambili nila ganoon din ang presyo kaya’t ‘yung nakita ninyo ‘yung bigas P25 (per kilo),”pahayag ng Pangulo sa kanyang mensahe sa okasyon.

Sabay-sabay na inilunsad ngayon Miyerkules ang Kadiwa sa Pasko sa 11 lungsod sa Metro Manila, tig-iisa sa Tacloban City, Davao De Oro, at Koronadal City, South Cotabato.

Sa Kadiwa ng Pasko Project, hindi lamang bigas na P25 per kilo ang maaaring mabili ng publiko, mayroon ding asukal sa P70 per kilo, sariwang gulay at prutas, karne at isda at iba pang mga produktong agricultural.

Mayroon ding iba’t ibang produktong lokal na gawa ng mga Micro Small & Medium Entrepreneurs (MSMEs) tulad ng damit, pagkain, gamit sa bahay, bag at sapatos at mga bagay na maaaring pang-regalo sa darating na Pasko.

Sa paglulunsad ng Kadiwa sa Barangay Addition Hills, binigyang diin ng punong ehekutibo ang pangako ng pamahalaan na makapagpatupad ng mga hakbang na makapagtataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

“Ang Kadiwa ay nagdadala lamang ng mas mura na bilihin para sa taong-bayan... Ito namang Kadiwa ay nakakamura ito dahil ang pamahalaan ay bumibili diretso sa supplier kaya’t lahat ‘yung… Lahat ng transport cost, lahat ng mga ganyang klase na kailangang bayaran ang gobyerno na ang gumagalaw,” pahayag ng Pangulo.

“Labing-apat, labing-apat ito na iba’t ibang Kadiwa ng Pasko na binubuksan namin. Si First Lady napunta sa Parañaque, Si Congressman Sandro nasa Quezon City, ‘yung isang anak ko si Simon ay nasa San Juan,” dagdag ng Pangulo.

“Patuloy po ito. Pararamihin po natin ito hangga’t may coverage na tayo na national,” pahayag ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, umaasa siya na aani ng suporta ang proyekto mula sa mga mamamayang Filipino.

Nagpasalamat din siya sa mga ahensiya na nagging katuwang upang maisakatuparan ng proyekto tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) and the Department of Labor and Employment (DOLE). (pia-ncr)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

National Capital Region

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch