Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Muntinlupa City, peaceful at drug-free, ayon sa DDB

Mga larawan mula sa PIO Muntinlupa

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --“Buo ang paniniwala ko na mame-maintain ng Muntinlupa ang pagiging peaceful at drug-free nito.”

Ito ang pahayag sa pagbisita ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman, Secretary Catalino Cuy sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa simula ng pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention & Control (DAPC) Week mula November 14 hanggang 18.

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod noong Lunes, Nob. 14, sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon, at sa pamamagitan ng Drug Abuse Prevention & Control Office (DAPCO), ang mga barangay na naging mahusay at epektibo sa paglaban kontra iligal na droga.

Kinilala bilang Best Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Implementors ang Barangay Sucat at Poblacion. Ibinigay ni Mayor Biazon ang plake ng pagkilala at P5,000 na cash incentive sa mga ito kasama nina Sec. Cuy at DAPCO Head PCol. Florocito Ragudo (Ret).

Dagdag pa rito, kinilala rin ang Barangay Sucat bilang 2021 Best BADAC sa Lungsod ng Muntinlupa. Tinanggap ni Punong Barangay Rafael Sevilla at mga barangay staff, kasama ang plake bilang pagkilala at P20,000 cash incentive. 1st Runner-up naman ang Barangay Poblacion na tumanggap ng plake at P15,000, samantalang 2nd Runner-up ang Barangay Bayanan na tumaggap ng plake at P10,000.

Kinilala rin sa programa ang Top Performing Barangay Treasurers sa lungsod sa pamamagitan ni City Accounting Department Head Ms. Melania Casanova. Ito ay sina Barangay Bayanan Treasurer Jonathan Gutierrez, Barangay Ayala Alabang Treasurer Melinda Micaller, Barangay Poblacion Treasurer Raul Tabago, at Barangay Tunasan Treasurer Emmalyn Arciaga.

Ang mga Barangay Treasurers ay napili base sa mga sumusunod na criteria: (1) Compliance with Commission on Audit & Accounting Rules and Regulations, (2) timely submission of reports, at (3) completeness of documents and attachments. (pio Muntinlupa/pia-ncr)


About the Author

Alaine Allanigue

Writer

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch