Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Matnog port patuloy na isinasaayos ng PPA at lokal na pamahalaan ng Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kooperasyon nito sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon at sa mga residente nito upang mabigyan agad ng solusyon ang mga nararanasang aberya sa Port of Matnog.

Nagpulong ang mga opisyal ng PPA at pamahalaang panlalawigan noong ika-10 ng Nobyembre at inilatag dito ang mga plano para mas mapaganda pa ang karanasan ng mga pasahero at biyahero sa tinaguriang "the gateway to Visayas."

Pagtitiyak ni PPA General Manager Jay Santiago, nakalatag na ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan at PPA na agad na mararamdaman ng mga gumagamit ng daungan.

Siniguro naman ni Port Manager Ma. Magnolia Sinson-Requejo na nabawasan na ang mga nagrereklamo sa haba ng pila sa labas ng pantalan dahil nailunsad na nila ang One-Stop Shop (OSS) na malaking tulong sa port users. Sa pamamagitan ng OSS, madali nang naisasaaayos ang booking ng mga pasahero, turista at biyahero sa Matnog port dahil nasa iisang lugar na lamang ang mga kailangang tanggapan ng pantalan, mga operator ng barko at iba pang ahensya at hindi na kailangang magpabalik-balik pa ang port users.

Kaugnay nito kapag may sama ng panahon ay agad na rin aniya silang nagpapalabas ng advisory upang maging alerto at maiwasan ng mga biyahero na ma-stranded sa loob ng pantalan.  Aniya, sila'y direktang nakikipag-ugnayan sa Office of Civil Defense - Region 5, Land Transportation Office at Philippine Information Agency upang agarang maiparating ang mensahe sa mga pasahero.

At least 2,500 ang daily average ng dami ng pasahero sa Matnog port at tumatalon ito sa 10,000 tuwing peak seasons gaya ng election period at summer break.

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch