Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paragliding at paramotor activities, inaasahang bubuksan sa La Trinidad, Benguet

Ang isinagawang paragliding test flight sa La Trinidad, Benguet kamakailan.

LA TRINIDAD, Benguet (PIA) -- Marami na ang excited at nag-aabang sa inaasahang pagbubukas ng paragliding at paramotor activities sa La Trinidad.
 
Kamakailan ay isinagawa ang paragliding test flight sa Mount Yangbew.
 
Ayon kay La Trinidad Tourism Officer Valred Olsim, maganda ang naging resulta ng test flight pero inirekomenda nila kay Mayor Romeo Salda na tapusin muna ang konsultasyon sa mga kinauukulang stakeholders. Aniya, ilan sa mga stakeholders ang nagpahayag na ng kanilang pag-ayon sa aktibidad.
 
Aniya, puntirya ng proponent na Northside Air Flying Sports Center of the Philippines na isagawa ng mga nasabing aktibidad sa tatlong lugar sa bayan.
 
"Ti ar-aramiden da laeng tatta ket konsultaen da diyay stakeholders idjay area, ket ti maysa a target da, Mount Yangbew, uray idjay Tawang ken idjay Nature Tower idjay Beckel. Dagiyay diyay areas a pag-expandan da kuma iti activities da (Ang ginagawa na lamang nila ay ang pagkonsulta sa mga stakeholders sa lugar. Isa sa mga target nila ang Mount Yangbew, Tawang at Nature Tower sa Becke. Ang mga areas na ito ang target nila for expansion ng kanilang activities)," ani Olsim.

Kapag nasagot na aniya ang safety concerns ng mga stakeholders at maayos ang lahat ng kailangan ay posibleng muling magkaroon ng test flight sa December bago posibleng opisyal na buksan sa Enero ang paragliding at paramotor activities sa bayan.
 
Pinayuhan naman nito ang mga nag-aabang sa aktibidad na hintayin ang opisyal na abiso ng pamahalaang lokal kaugnay sa mga nabanggit na karagdagang aktibidad.
 
"We just wait, masapul nga maadal nga usto tapnu in place ken safe ti ikasta tayo nga agi-offer idjay additional activity nga diyay. Narigat met nga i-rush tayo ket saan tayo pay a naistudyar nu kasanu (We just wait, kailangang maaral nang husto upang handa at ligtas ang iaalok na additional activity. Mahirap na kung mag-rush tayo na hindi pa ito naaral nang maigi)," saad ni Olsim.
 
Kapag binuksan ang mga nasabing aktibidad, sinabi ni Olsim na posibleng lilimitahan sa 15-20 ang flights bawat araw lalo na at marami ang kailangang ikonsidera bago magsagawa ng flight. Bagama't wala pang opisyal na halagang babayaran ng mga magiging kliyente, binanggit n Olsim na ang sinisingil ng grupo sa paragliding activities sa Nueva Vizcaya ay naglalaro sa P4,000 hanggang P5,000. (JDP/DEG-PIA CAR) (All Photos courtesy: Hey Ivan)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch