Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PDEA-CAR, inigtingan ang kampanya vs. ilegal na droga sa paaralan, komunidad

Sa 4th Quarter Meeting ng Sectoral Committee on Development Administration and Good Governance nitong Nobyembre 16, 2022.

BAGUIO CITY (PIA) -- Inigtingan pa ng Philippine Drug Enforcement Agency - Cordillera (PDEA-CAR) ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.
 
Inihayag ni Atty. Joseph Frederick Calulut ng PDEA-CAR sa ginanap na 4th Quarter Meeting ng Sectoral Committee on Development Administration and Good Governance kamakailan  na patuloy ang kanilang programa upang mapanatili na drug-free ang mga paaralan.
 
Aniya, natigil lamang ito sa kasagsagan ng pandemya kung saan, ipinatupad ang virtual classes sa mga paaralan. Ngayong bumalik na ang in-person classes sa ilang paaralan ay ipagpapatuloy aniya nila ang pagsasagawa ng information education campaign laban sa ilegal na droga.

"Now that there are some schools who have face-to-face classes, our provincial offices are now coordinating with the schools for the conduct again of lectures with the different universities (schools)," ani Calulut.
 
Sinabi pa nito na bukod sa patuloy na pagsira sa plantasyon ng mga marijuana sa bahagi ng Kalinga at Benguet, patuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa komunidad upang maipaalam sa mga mamamayan ang hindi magandang dulot ng marijuana at ang batas na sumasaklaw dito.
 
"We have  continuous education with the communities as to the illegality of cultivation of marijuana is concerned," si Calulut.
 
Binanggit pa nito na nagkaroon na rin ng inisyal na pagpupulong si PDEA-CAR Regional Director Gil Castro sa National Commission on Indigenous Peoples at sa mga kinauukulang pamahalaang lokal kaugnay sa implementasyon ng Sustainable Development Program sa mga lugar na madalas matamnan ng marijuana.
 
Batay sa pinakahuling listahan ng PDEA-CAR, nasa 46 barangays sa buong Cordillera ang nananatiling drug-affected, 770 barangays ang drug-cleared habang 329 ang drug-free barangays. (JDP/DEG-PIA CAR)

(Source: PDEA-CAR)
(Source: PDEA-CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch