Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PNP ipinagdiriwang ang Children's Month sa pamamagitan ng pagpapakain sa mahigit 300 na mag-aaral sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte (PIA) – Umabot sa 320 mag-aaral ng Anita V. Romero Elementary School ng Barangay Magang, Daet ang nabenepisyuhan ng feeding project na isinagawa ng mga kapulisan sa bayang ito.

Pinangunahan ito ng hepe ng pulisya na si Lt. Col. Arnel De Jesus at nakatuwang niya ang mga opisyales ng barangay, health workers, Kabayan Action Group, Highway Patrol Group (HPG) at faith-based adviser ng KApulisan, SIMBAhan at PamaYANAN (KASIMBAYANAN).

Layunin ng naturang gawain ang isulong ang masusustansyang pagkain sa mga kabataan para lumaki silang malusog at malakas ganundin ang makapaghatid ng kasiyahan sa mga mag-aaral.

Ayon kay De Jesus, ang pambasang pulisya ay patuloy na magsusulong ng mga programang makakatulong sa pagkakaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ng mga kabataan upang lalo silang magsumikap sa pag-aaral na isa sa instrumento sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Nagkaroon din ng pagtalakay sa kampanya tungkol sa ilegal na droga, mga paalala kung paano makakaiwas sa pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan, sino at kanino dapat sila lumapit o magsumbong.

Ang naturang programa ay nakatuon sa PNP KASIMBAYANAN na makakatulong sa peace and security framework na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran (MKK=K).

Sa ilalim ito ng pamumuno ni PNP Chief Gen. Rodolfo S. Asurin Jr. na naghahangad ng mas matibay at magandang ugnayan ng pulisya, simbahan at ng pamayanan.

Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre na may temang "Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”. (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng Daet MPS)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch