Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

50 housing units, itatayo ng MHSD sa Maguindanao del Norte

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inaasahang mas marami pang mga mahihirap na residente mula sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang magkakaroon na ng kanilang sariling bahay matapos ilunsad ang nakatakdang pagpapatayo ng 50 housing units sa probinsya ng Maguindanao del Norte.

Kamakailan ay isinagawa ng Ministry of Human Settlement and Development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MHSD-BARMM) ang groundbreaking ceremony ng pabahay sa Barangay Darapanan, Sultan Kudarat sa nasabing probinsya.

Sa kanyang pahayag ay ibinahagi ni MHSD Chief of Planning and Design Division Engr. Zainodin Buisan na ang pabahay ay binubuo ng 49 square meters bawat lote na may isang palapag na bahay, dalawang kwarto, palikuran at kusina.

Samantala, ayon pa sa MHSD, ang pagpili ng mga benepisyaryo ay batay sa mga alintuntunin na natukoy na ng Housing and Human Settlements Division ng tanggapan.

Maliban sa housing units sa Darapanan, ang MHSD ay magpapatupad din ng kaparehong proyekto sa iba pang mga lugar sa rehiyon.(With reports from Bangsamoro Government). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch