Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Coffee Roasting Processing Project, itinurnover sa asosasyon sa Kidapawan

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA)-- Itinurnover nitong Martes sa Barangay Perez Roasted Coffee Production Association sa Kidapawan City ang Coffee Roasting Processing Project na ipinatupad sa ilalim ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Sa pamamagitan ng proyekto ay nabigyan ang asosasyon ng 12-kilogram coffee roasting processing machine. Sumailalim din sa pagsasanay sa coffee roasting processing ang nasa 20 miyembro ng naturang grupo. 

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni City Mayor Paolo Evangelista, sinabi ni Herminia Infanta, Public Employment Service Office manager, na makatutulong nang malaki ang proyekto sa tuloy-tuloy na operasyon at pagnenegosyo ng kape ng asosasyon bilang kanilang napiling proyekto.  

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng iba’t ibang opisina ng pamahalaan tulad ng Department of the Interior and Local Government, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, at 39th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ang Barangay Perez ay isa sa mga barangay sa Kidapawan na tinutututukan ng NTF-ELCAC kaugnay sa adhikaing wakasan ang insurhensya sa lugar. Kaugnay nito, tulong-tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masigurong maihahatid ang mga proyketo at programa ng pamahalaan upang maiwasan ang rebelyon sa komunidad. (With reports from CIO-Kidapawan)

About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch