Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Iligal na paggamit ng 4Ps ATM cards, mahigpit na ipinagbabawal sa Kidapawan

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod ang iligal na paggamit, tulad ng pagsangla at pagbenta, ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps automated teller machine (ATM) cards.

Nitong Lunes, nilagdaan ni City Mayor Paolo Evangelista ang Executive Order Number 063, series of 2022 kung saan nakapaloob ang wastong pamamaraan sa paggamit ng mga benepisyaryo ng 4Ps ng kanilang ATM card sa pagtanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

Ayon kay Evangelista, ang hakbang na ito ay upang masigurong nagagamit sa tama at hindi nasasayang ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan.  Aniya, ang pinansyal na tulong mula sa gobyerno ay dapat gamitin na pantustos sa pag-aaral at kalusugan ng mga anak at pambili na rin ng importante at pangunahing pangangailangan para sa pamilya.

Base sa EO, ang sinumang mapatutunayang lumabag sa kautusan ay mapapatawan ng suspensyon ng ayuda o tuluyang pagkatanggal sa listahan ng mga benepisyaryo ng programa.

Mananagot din ang mga indibidwal na pinagsanglaan o bumili ng mga 4Ps ATM card.

Pinapayuhan ang mamamayan na magreport sa tanggapan ng alkalde, barangay o kaya ay sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO kapag may nalamang paglabag sa naturang EO. (With reports from CIO-Kidapawan)


About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch