Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Loman, handa para sa world title match - Coach Sangiao

Ang pagkapanalo ni Stephen Loman laban kay Bibiano Fernandes nitong Nobyembre 19, 2022. (Photo: Mark Sangiao)

BAGUIO CITY (PIA) -- Tiwala si Team Lakay Coach Mark Sangiao na handa na si Stephen "The Sniper" Loman na lumaban para sa world title matapos nitong dominahin si former ONE Bantamweight World Champion Bibiano Fernandes sa paghaharap nila sa cage sa ONE Fight Night 4 kamakailan.
 


"I know that Stephen is ready for the world title and we are hoping na siya 'yung lalaban against sa mananalo, whoever will be the next champion. Stephen Loman is ready to fight for the world title," saad ni Sangiao sa isang panayam na inilabas ng Team Lakay.

Aniya, pinatunayan lamang ni Loman na isa ito sa mga best world champions. Nanalo si Loman laban kay Fernandes sa kanilang bantamweight fight nitong Nobyembre 19, 2022 sa pamamagitan ng unanimous decision.


"Nakapag-attempt pa nga dito si Bibiano ng rare naked choke but Stephen managed to escape and go to full guard position in which, nakapag-deliver ng napakadaming grounding pound, short elbow si Stephen hanggang matapos 'yung kanilang match," si Sangiao.
 
Umaasa renowned coach na kung sino man ang mananalo sa laban nina John Lineker at Fabricio Andrade para sa ONE Bantamweight World Title sa Pebrero 10 ay siyang makakatunggali ni Loman.
 
Sa kanyang pagkapanalo, inihayag naman ni Loman na, "I trained a lot for my skills and the game plan went well so i was confident on my striking and my wrestling."

Si Team Lakay Coach Mark Sangiao (Screenshot from Team Lakay FB page)

Sinabi nito na paghahandaan at hihintayin niya kung bibigyan siya ng pagkakataong lumaban para sa isang title match. Ang pagkapanalo niya laban kay Fernandes ang ikatlong panalo niya sa ilalim ng ONE Championship. Hawak nito ngayon ang professional record na 17 wins and 2 losses.
 
Ang 27-anyos na si Loman ay tubong Ifugao at Mountain Province. Ito ang kauna-unahang Filipino fighter na sumabak sa Bahrain-based promotion na Brave Combat Federation (FC).
 
Nasungkit nito ang bantamweight title sa 2017 Brave FC at matapos ang apat na beses na pagdepensa sa kanyang titulo, nabigyan ito ng pagkakataon na magpakitang gilas sa ONE Championship. Noong nakaraang taon ay pumirma ito ng executive contract sa naturang premier mixed martial arts promotion.
 
Una itong lumaban sa ilalim ng ONE Championship noong Disyembre 2021 kung saan, napatumba nito si Dagestani grappling sensation Yusup Saadulaev. Sinundan ito ng pagkapanalo niya via unanimous decision laban kay former Shooto Bantamweight World Champion Shoko Sato noong Marso 2022. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch