Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sec. Abalos, hanga sa pamunuan ng Lalawigan ng Sultan Kudarat

Si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. at Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu bago ang pulong kasama ang mga opisyales ng lalawigan.

ISULAN, Sultan Kudarat (PIA) -- Malaki ang paghanga ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pamunuan ng Lalawigan ng Sultan Kudarat sa mga nakamit nito bilang lokal na pamahalaan. 

Nitong Huwebes, sa kauna-unahang pagkakataon, binisita ni Sec. Abalos ang kapitolyo ng Sultan Kudarat kung saan iprenesenta sa kanya ang 50 dating violent extremist na nagbalik-loob sa pamahalaan. 

 "I am very much impressed  not only because of the magnificent infrastructures of this provincial capitol, which I think is the biggest in the entire country, and even the hospital -- ibang klase. 

"More than the infrastructures...are the awards reaped by this province. Andaming mga practices na pwedeng gawing template by other LGUs," sabi ni Secretary Abalos sa pulong kasama ang mga opisyal ng lalawigan ng Sultan Kudarat at mga alkalde ng isang lungsod at 11 bayan dito.    

Partikular niyang binati ng paghanga si Governor Datu Pax Ali Mangudadatu; kanyang ama na si dating Governor Suharto "Teng"Mangudadatu; at lolo na si dating Governor Pax Mangudadatu at mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan, lalung-lalo na sa pananatili ng pagkakaisa ng mamamayan dito sa kabila ng iba-ibang relihiyon, kaugalian, at paniniwala. 

Sa nasabi ring pulong, iniutos ng kalihim kay DILG Regional Director Josephine Leysa na ilista ang mga "good practices" ng Lalawigan ng Sultan upang gawing halimbawa sa iba pang mga LGU. 

"Ipunin natin lahat ito (good practices) and we'll share this with other LGUs," sabi ni Secretary Abalos. 

Sa kanyang mensahe sa Kakep Ka Su Kalilintad (Embrace Peace) event, sinabi ni Gov. Mangudadatu na kabilang sa maraming ipinagmamalaki ng Sultan Kudarat ang pagkilala bilang isa sa  pinakatahimik na probinsiya hindi lang sa buong Rehiyon Dose kundi pati na rin sa buong Mindanao; pagiging Top 1 sa buong Pilipinas sa anti-drug abuse performance; at pagkamit ng 100% performance ng peace and order council.  

"We are now geared towards being one of the recipients of the national Seal of Good Local Governance," ayon sa gobernador. (PIA XII)

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch