Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

ATI-4A sertipikado ang Habilin Farms bilang learning site for agriculture

LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon (PIA)-- Pormal nang iginawad ng Agricultural Training Institute (ATI-4A)  sa pangunguna ni Dr. Rolando V. Maningas, PhD., OIC, TCS II/ Center Director ng ATI IV - A kay Mr. Bambu Francia, may-ari ng Habilin Farms sa lungsod ng Tayabas noong Nobyembre 22 ang sertipiko ng pagkilala bilang isa sa mga Learning Site for Agriculture.

Sa programang idinaos sa nasabing farm, kinilala ni Maningas ang dedikasyon at malasakit ni Francia sa pagsasakahan na aniya'y malaking tulong ito hindi lamang sa komunidad kundi sa paglinang pa ng mga kaalamang makakatulong sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Ayon kay Maningas, ang  Habilin Farm ay pang - anim na Learning Site for Agriculture sa lungsod ng Tayabas.

 “Makakatulong ito hindi lamang makikilala ang aming barangay kundi makakatulong ito sa hanapbuhay ng mga residente dito sa Tayabas,” ayon kay Kapitana Veronica Laguatilla.

Ayon naman kay Francia, nag-umpisang gawing farm tourism ang nasa 2.2 ektaryang lawak ng kanilang lupain  sa kasagsagan ng pandemya kung kaya't nasorpresa umano siya sa mainit na pagtanggap dito ng mga lokal na turista at madalas ay nagmula pa sa Kamaynilaan.

Mula sa salitang bukal na nangangahulugan ng sagana sa tubig, sinabi ng isa sa mga Executive Assistant at kinatawan ni Mayor Lovely Reynoso na ang unang komunidad sa Tayabas ay ang nasabing barangay na indikasyon na mayaman ito sa mga basic na kailangan ng tao.

Maliban sa pagkilala ng ATI, target ng Habilin Farm na ma-accredit ito ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang farm ay isang Agro - Forestry, Integrated Diversified, Organic at Farm Tourism na matatagpuan ang nasa limampung native forest trees, 20 native at mga exotic fruit trees, iba't ibang indigenous na gulay at root crops; mayroon ding mga native na baboy, tilapia, native chickens. (RMO/PIA-Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch