Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

December 2, deadline ng aplikasyon para sa DOST-SEI Undergraduate Scholarship

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) – Hanggang sa ika-2 ng Disyembre na lamang maaaring mag-aplay ang mga interesadong mag-aaral sa undergraduate scholarship ng Department of Science and Technology (DOST) Science Education Institute (SEI).

Sinabi ni Ethel Coronacion, Provincial Science and Technology Director (PSTD), na ang aplikasyon para sa nasabing scholarship ay online. Sakaling maging kwalipikado, makakatanggap ang aplikante ng notice o komunikasyon sa kung saan siya kukuha ng scholarship examination na gaganapin sa Marso 11 -12.

Ang mga testing centers, ayon kay Coronacion, ay ang San Jose National High School sa bayan ng San Jose at Occidental Mindoro National High School sa bayan ng Mamburao. “Noon may testing center tayo sa Lubang, pero titingnan pa ang bilang ng mga kukuha ng scholarship exam doon bago maglabas ng desisyon ang DOST,” saad ni Coronacion.

Ayon pa sa opisyal, kabilang sa mga pribileheyo ng isang scholar ay tuition at iba pang school fees na maaring umabot sa P40,000 bawat academic year, transportation at uniform allowance, monthly living allowance na P7000 kada buwan. “Sakaling nagte-thesis ang scholar tatanggap din ito ng allowance na P10,000,” ani Coronacion.

Kwento ng Direktor, katatapos lamang ng kanilang pagbisita sa iba't ibang paaralan sa probinsya upang ikampanya ang scholarship program. Kabilang sa kanilang pinuntahan ang mga Paaralang Sekundarya mula Abra de Ilog hanggang sa bayan ng Magsaysay.

Umaasa si PTSD Coronacion na marami pang mga kabataan mula sa probinsya ang mapapabilang sa mga DOST scholar ng bansa.

Para sa mga interesadong mag-apply online sa 2023 DOST-SEI Undergraduate Scholarship, maaring bisitahin ang kanilang website o gamitin ang link na ito: https://www.science-scholarships.ph. (VND/PIA MIMAROPA)



Larawan sa taas: Pagbisita ng mga kawani ng DOST OccMDo sa mga Paaralang Pansekundarya ng lalawigan bilang kampanya ng tanggapan para sa DOST-SEI Undergraduate Scholarship. (DOST OccMdo)

 
 
 

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch