Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Iba’t ibang aktibidad isinagawa sa employment caravan sa Tulunan

TULUNAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Isinagawa ang iba’t ibang aktibidad sa bayan ng Tulunan may kaugnayan sa employment caravan na ipinatupad ng Department of Labor and Employment o DOLE XII upang maisulong ang disente at produktibong trabaho para sa mamamayan.

Ang caravan ay pinangunahan nina DOLE XII Assistant Regional Director Arlene Bisnon at DOLE-Cotabato Provincial Director Marjorie Latoja.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ay ang mini job fair, career guidance at pagbibigay ng labor market information, at oryentasyon sa general labor standards.

Ang mga ito ay nilahukan naman ng mga naghahanap ng trabaho, mga estudyante, at mga may-ari ng negosyo sa bayan.

Base sa ulat mula sa DOLE XII, nagkaroon din ng distribusyon ng mga school supply at hygiene kit sa 12 na-profile na child laborer sa Barangay New Caridad. Ito ay sa ilalim ng Project Angel Tree ng ahensya.

Hinikayat naman ng DOLE XII ang mga residente sa lalawigan na nais makabenepisyo sa mga programa ng ahensya na bisitahin ang North Cotabato Field Office nito sa 2nd Floor, Roma Building, Quezon Boulevard, Kidapawan City o ang Public Employment Service Office sa kani-kanilang munisipyo. (with reports from ZSMahinay-DOLE XII)

About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch