Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kumustahan kasama si Enggoy at hosts ng 'Kumusta Pilipinas'

LUNGSOD NG QUEZON  (PIA) -- Muling nakasama ni Enggoy ang hosts ng programang “Kumusta Pilipinas” na sina Major Cenon C. Pancito III at A1C Glen Gultian sa DWDD 1134kHz AM AFP Radio, ngayong araw, ika-23 ng Nobyembre, matapos ang matagumpay nilang aktibidad sa Palawan.

Tinalakay sa programa ang matagumpay na pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakaraang 2022 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Bangkok, Thailand gayundin ang usapin na may kinalaman sa climate change at ang kung paano mababawasan ang epekto nito.

Para sa masaya at makabuluhang talakayan, makinig at manood sa “Kumusta Pilipinas” sa DWDD tuwing Miyerkules, 10:00-11:00 ng umaga..

Balikan ang naging talakayan ngayong araw sa Facebook Page ng DWDD 1134kHz AM AFP Radio. Bisitahin ang 'Kumusta Pilipinas'. (RA - PIA CPSD)

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch