Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mangcayap Farmers Association, tumanggap ng P1M tulong pangkabuhayan mula sa DOLE

Mangcayap Farmers Association, tumanggap ng P1M tulong pangkabuhayan mula sa DOLE

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Tumanggap ng tseke na nagkakahalaga ng P1M mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Palawan bilang tulong pangkabayahan ang Mangcayap Farmers Association (MFA) sa Bgy. Ipilan, bayan ng Brooke’s Point kamakailan.

Ayon kay Kristan A. Sabando, Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) Community Facilitator, 76 na miyembro ng nasabing asosasyon ang makikinabang sa tulong pangkabuhayan na P1M para sa agri-products/supplies at equipment.

Ang mga miyembro ng asosasyon na ito ay mga magulang ng mga child laborers na na-profile noong nakaraang taon sa ilalim ng CLPE Program ng DOLE sa Palawan.

Dagdag pa ni Sabando na ang tulong pangkabuhayan ng DOLE sa mga magulang ng mga child laborer ay isang estratehikong tugon upang maiwasan at maiahon ang mga batang natukoy na child laborer.

“Ang mga magulang ng mga child laborers ay kabilang sa mga pangunahing benepisyaryo sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP),” ani Sabando.

Ipinaliwanag din niya na, sa ilalim ng mga alituntunin ng DILEEP, hindi dapat pahintulutan ng mga benepisyaryong magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng magtrabaho sa murang edad.

Ang tulong pangkabuhayan na ibinibigay ng DOLE ay maaaring nasa anyo ng Negokart, starter kits, o mga materyales na kailangan upang simulan ang isang gawaing pangkabuhayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)



Larawan taas: Ang mga miyembro ng Mangcayap Farmers Association na tumanggap ng P1M tulong pangkabuhayan mula sa kinatawan ng DOLE-Palawan kamakailan. Ang mga miyembro ng nasabing asosasyon ay mga magulang ng mga child laborers na na-profile noong nakaraang taon sa ilalim ng CLPE Program ng DOLE sa Palawan. (Larawan mula sa Facebook page ng Batang Malaya Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch