Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pag-aalaga ng mga bubuyog bilang pangkabuhayan, isinusulong sa Kidapawan

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Isinusulong ngayon dito sa lungsod ang beekeeping o pag-aalaga ng mga bubuyog bilang income-generating project o pangkabuhayan ng ilang magsasaka.

Kamakailan, dumalo sa benchmarking activity sa mga probinsya ng Quezon at Rizal sina City Mayor Paolo Evangelista, City Program Management Implementing Unit Head Atty. William Angos, City Agriculturist Marissa Aton, at Supervising Tourism Officer Gillan Ray Lonzaga.

Sa naturang aktibidad, nabigyan sila ng kaalaman hinggil sa apiculture o beekeeping.  Nakapunta rin ang mga ito sa mga bee farm sa lugar.

Nabatid na matapos ang benchmarking activity ay nagkaroon ng pagsasanay sa beekeeping management ang City Cooperative Development Center ng Kidapawan. Ito ay dinaluhan naman ng abot sa 20 piling mga partisipante mula sa lungsod.

Nabigyan ang mga partisipante ng kaalaman hinggil sa paghahanap ng tamang lokasyon para sa beekeeping project at paghahanda nito, paglalagay ng mga bubuyog, pagpapakain, wastong pagpapalago ng beehive, at iba pa.

Itinatag din ang Highlands United Beekeepers Association of Kidapawan o HUBAK.

Umaasa si Evangelista na mapalalago ang beekeeping sa siyudad at maging regular na pangkabuhayan ito ng mga magsasaka.

Binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga bubuyog sa pananatili ng balanse sa eco-system at produksyon ng pulot at iba pang direct at by-products na mahalaga sa kalusugan. (With reports from CIO-Kidapawan)



About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch