Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Recovery plan para sa mga naapektuhan ng bagyong “Paeng” inilunsad ng BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Ibinahagi ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM) ang binuong recovery plan ng pamahalaan ng BARMM sa pamamagitan ng Regional Disaster Risk Management Council upang mabigyan ng agarang interbensyon ang mga naapektuhan ng bagyong “Paeng” sa rehiyon.

“Yung early recovery plan ay plano para mapanumbalik yung kaayusan ng mga komunidad na tinamaan ng bagyo. Immediately after na magtransition po tayo, mula doon sa lifesaving activities natin, papunta na sa life sustaining activities,” sinabi ni Sinarimbo.

Sa programang Takalayang Dose ng Philippine Information Agency Region 12, iginiit ni Sinarimbo na na-activate na ang early recovery clusters na siyang bubuo at magpapatupad ng nasabing recovery plan, ito aniya ay pamumunuan ng mga pangunahing ministry sa rehiyon.

Dagdag pa ni Sinarimbo kabilang sa mga tututukan ng nasabing mga cluster ang pagbibigay solusyon sa pagkasira ng agrikultura at pangisdaan, pagtitiyak na makababalik ang mga mag-aaral sa mga ekswelahan, pagsasaayos ng mga daan at tulay, pagbabalik sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga negosyante, at pagsasaayos ng mga nasirang bahay ng mga apektadong residente.

Dagdag pa rito, ang pinakapangunahing layunin ng nasabing plano, aniya, ay maibalik ang kaayusan ng mga komunidad na tinamaan ng matinding hagupit ng bagyong “Paeng”. (PIA Cotabato City)

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch