Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MOVE-Quezon, nanawagang suportahan ang 18-Day Campaign to End VAW

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Nanawagan si  Men Opposed to Violence against Women Everywhere (MOVE)-Quezon Chapter President Bernie Torno sa  publiko na sumuportahan ang  sa kampanya ng pamahalaan na  ‘18-Day Campaign to End Violence Against Women’ simula sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.

Sa programang “Kapihan sa PIA-Quezon” sa DWLC-Radyo Pilipinas Lucena noong Nobyembre 23, sinabi ni Torno na malaki ang partisipasyon ng publiko lalo na ang mga kalalakihan sa tuluyang pagsugpo sa kaso ng karahasan sa kababaihan at mga bata sa lalawigan.

“Sa ngayon po ay  walong  bayan na lang sa lalawigan ang wala pang organisdong MOVE chapter sa kanilang lugar at ito po ang  layunin ko na na magkaroon ng MOVE chapter sa lahat ng bayan sa Quezon upang maging katuwang natin sa kampanya laban sa karahasan sa mga kababaihan at maging sa mga kabataan,” sabi pa ni Torno.

Samantala, iniulat naman ni Sedfrey R. Potestades, assistant provincial department head ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office na may mahigit na 172 kaso ng pang-aabuso sa kababaihan at mga bata ang naitala ng Women and Children’s Protection Unit (WCPU) simula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sa buong lalawigan.

Ayon pa rin kay Potestades,  prayoridad ni Quezon Governor Helen Tan ang pagkakaroon ng Provincial Crisis Center at Bahay Pag-Asa na magiging pansamantalang tirahan ng mga biktima ng pang-aabuso.

Mayroon na ding VAW Desk Office sa bawa’t barangay na tutugon sa mga reklamo ng karahasan at pang-aabuso, dagdag pa ni Potestades.

Kaugnay nito, may mga inihandang aktibidad ang MOVE-Quezon Chapter at Provincial Gender and Development Office kaugnay sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

Ilan sa mga aktibidad ay ang mga sumusunod: Padyak/Zumba laban sa Karahasan sa Kababaihan sa  Perez Park, Lucena City sa Disyembre 4; Men’s Summit ; Blood Donation Drive; Free Medical Laboratory Testing  at Tiktok Informercial Contest sa Disyembre 9 sa Quezon Convention Center, Lucena City. (RMO/PIA-Quezon)



About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch