Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PWDs at senior citizens, pinayuhang dalhin parati ang ID para mapagkalooban ng benepisyo

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – “Hinihikayat ko ang mga may kapansan at nakatatandang mamamayan sa lungsod na ugaliing dalhin ang inyong PWD at Senior Citizens ID upang ito’y maipakita at mabigyan kayo ng karampatang diskwento sa pasahe, pagkain, gamot at pangunahing bilihin.” Ito ang ipinahayag ni City Councilor Rius Anthony Agua sa isinagawang public hearing sa Sangguniang Panlungsod kamakailan.

Ipinunto ni Agua ang kahalagahan ng pagdadala ng identification card o ID sa tuwing lalabas ng tahanan upang magamit ang mga benepisyo at pribilehiyo na naayon sa isang kasapi tulad ng 20 porsiyento diskwento sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan, pagkain sa mga kainan, mga gamot at iba pa habang limang porsiyentong diskwento naman sa mga pangunahing bilihin.

Bukod dito, itinakda din ng batas na walang kaukulang babayaran sa mga terminal fee sa mga pantalan at paliparan na kabilang din dito ang mga estudyante. Karapatan din anya ng isang kasapi ang mabigyang prayoridad sa pagpasok sa mga pampubliko at pamahalaang establisyimento pati sa mga pila ng pagbabayad, pagsakay at iba pa.

Hinihikayat ng konsehal na ang mga hindi pa kasapi sa naturang sektor ay kailangan magtungo sa kapitan ng barangay at magpatala sa samahan ng may kapansanan o sa pangunahing mamamayan para mabigyan ng pagkakakilanlan at matamo ang mga benepisyo na ipinagkakaloob ng batas. (DN/PIA-OrMin)



Larawan sa itaas: Iminumungkahi ni Konsehal Rius Agua (pangatlo mula sa kaliwa) sa mga kasapi ng PWD at Senior Citizens na palaging dalhin ang mga ID upang pagkalooban ng diskwento sa mga pampublikong sasakyan sa isinagawang public hearing hinggil sa pamasahe sa tricycle na ginanap sa Sangguniang Panlungsod kamakailan. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch