Tagalog translation:
Bakunahang Bayan II: Special COVID-19 Vaccination Days sa Dec. 5-7
BAGUIO CITY (PIA) -- Ipagpapatuloy ng Department of Health (DOH), katuwang ang mga local government units at ang kanilang mga partners ang PinasLakas Campaign sa pamamagitan ng Bakunahang Bayan II: Special COVID-19 Vaccination Days sa December 5-7, 2022.
Layunin ng aktibidad na mapabilis ang pagpaparating ng vaccination services sa eligible population na maaaring maturukan ng first booster, at upang mapataas pa ang bilang ng mga mababakunahan ng primary series (first at second dose) sa mga edad lima hanggang labing isa.
Sinabi ni DOH-CAR Health Education and Promotion Officer III Patrick Pineda na naaayon din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pataasin ang COVID-19 vaccine coverage sa pagtatapos ng December 2022.
"Ang baseline dito ay booster is for protection," giit nito.
Hinikayat ang lahat ng rehiyon na makibahagi sa Special Vaccination Days.
Aminado naman si Pineda na nananatiling hamon para sa kanila at sa kanilang mga partners ang COVID-19 vaccination campaign sa lalawigan ng Benguet at Ifugao.
Batay sa datos ng DOH-CAR as of November 21, 2022, 66.38% o 97,332 sa target population ng Ifugao ang fully vaccinated habang 70.92% o 103,990 ang partially vaccinated.
Samantala, ang Benguet ay nakapagtala na ng 253,692 fully vaccinated o 73.26% sa target population. Aabot naman sa 270,230 individuals o 78.03% ang naturukan na ng isang dose ng COVID-19 vaccine. (JDP/DEG-PIA CAR)