Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Essay writing at oratorical contest, tampok sa Aral Kalikasan sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte,  (PIA) – Tampok ang isinagawang  essay writing at oratorical contest bilang sa Camarines Norte bahagi ng Aral Kalikasan na pinagunahan ng  Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng pamahalaang panlalawigan  kahapon, Nobyembre 24.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral sa sekondarya o mga junior high school mula sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan.

Ayon kay Engr. Leopoldo P. Badiola, Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) ng pamahalaang panlalawigan, ang paligsahan ay nakapukos sa climate change dahil isa ang ating bansa na lumagda sa Paris Agreement sa United Nations (UN). Naitala na 195 na bansa ang nakiisa dito kasama na ang Pilipinas.

Aniya, hangad nito na pagdating ng taong 2030 ay  mapigilan ang pagtaas ng temperatura o global temperature sa lahat na bansa na  naatasan na bawasan ang kanilang mga carbon emission.

Sa Pilipinas, hinihikayat na ang paggamit ng renewable energy partikular na ang paggamit ng solar energy, wind energy at hydro thermal energy ganundin ang smart technologies o green technologies na nakakatipid sa paggamit ng enerhiya.

Samantala, pinarangalan naman ang mga mag-aaral na nanalo sa naturang mga patimpalak.

Sa essay writing, natanggap ni Allyza Dave N. Beraquit ng Froilan D. Lopez High School mula sa bayan ng San Vicente ang unang pwesto. Pumangalawa naman si Romnick Q. Bayani ng Daguit National High School ng Labo samantalang nakuha naman ni Roan Faye P. Villeno ng Alawihao National High School ng Daet ang pangatlong pwesto.

Nanguna naman sa  oratorical contest si Teodito E. Co III mula pa rin sa Froilan D. Lopez High School ng San Vicente, pangalawa si Christine Joy N. Castillo ng Jose Panganiban National High School at pangatlong pwesto si Reyna May S. Torzar ng Daguit National High School ng Labo.

Ang mga nagwagi ay tumanggap ng gantimplang P3,000 sa unang pwesto, P2,000 sa pangalawa at P1,000 sa pangatlong pwesto. Kalakip  rin nito ang tropeyo at medalya habang sertipiko ng pakikilahok naman ang natanggap ng mga hindi pinalad na manalo.

Ang naturang gawain ay kaugnay sa selebrasyon ng Climate Change Consciousness Week, National Environmental Awareness Month at National Clean Air Month na may temang “Rise up: Moving beyond climate talk to climate action”. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch