Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paghahanda at pagtugon sa mga sakuna, paiigtingin ng BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Binigyang-diin ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM) na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ng BARMM ang mga paghahanda at pagtugon nito sa tuwing may sakuna.

“Sa ngayon po ay minamapa natin ulit yung mga geohazard area para mas maging comprehensive siya. Dati kasi ang binabantayan lang natin na pagbaha ay dito sa Liguasan Marsh, and then yung pangalawang hazard pa na binabantayan natin itong earthquake na malakas dahil mayroon tayong Cotabato fault line and ‘pag gumagalaw siya mayroon siyang kaakibat na tsunami so yun ho titingnan na natin yung mga flashflood, mga landslide, iba pang mga hazard," paliwanag ni Sinarimbo.

Dagdag pa nito tinututukan ng gobyerno ng BARMM ang mga geohazard area sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon upang mapaghandaan ang di inaasahang pagdating ng sakuna tulad ng pagbaha at lindol.

Ibinahagi din ni Sinarimbo ang mga ginagawang pagsasanay ng disaster risk management officers mula sa iba’t ibang mga bayan sa rehiyon upang mas mapalakas pa ang kanilang kakayahan pagdating sa search and rescue.

Nagpapatuloy din umano ang Water Search and Rescue (WASAR) training para sa mga community responder sa rehiyon upang patibayin pa ang kanilang mga kakayahanan sa pagtugon sa mga sakuna. (PIA Cotabato City)

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch