Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

“Kadiwa ng Pasko,” muling gaganapin sa Makati

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Muling magsasagawa ang Makati Economic Enterprise Management Office, Department of Trade and Industry, at Department of Agriculture ng “Kadiwa ng Pasko.”

Ayon sa pamahalaang lungsod, ito ay gaganapin sa Martes, Nobyembre 29, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Makati City Hall Quadrangle.

Murang prutas, gulay, frozen meat products, at iba pang produkto ang mabibili dito. Layunin ng programa na suportahan at matulungan ang local farmers na maibenta ang kanilang mga produkto.

Samantala, paalala ng pamahalaang lungsod sa mga nais pumunta, magdala ng eco-friendly bags, magsuot ng face mask, at sumunod sa health protocols. (Makati City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch