Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DSWD, tuloy ang programang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa sa Ilocos Norte

LAOAG CITY (PIA) - Tuloy pa rin and pagbibigay ng financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Ilocos Norte sa pamamagitan ng Balik-Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program para sa mga Ilokanong nagnanais nang umuwi sa probinsya.


“Ang naca-cater namin dito sa Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa program ay ang mga families o individuals na nag-babalik sa probinsya na nangangailangan ng tulong pinansyal upang sila ay makapagsimula muli dito sa probinsya, lalo na kapag may balak silang magpatayo ng kanilang sariling negosyo,” ani Anna Liza Calapini, Provincial Coordinator ng DSWD Sustainable Livelihood Program.


Ngayong buwan, nakatanggap ang 11 na residente ng Laoag City, anim sa Nueva Era, at isa sa bayan ng Piddig ng pinansyal na tulong mula sa BP2.


Ayon kay Calapini, mayroon nang 184 na residente ng Ilocos Norte ang nabigyan ng Livelihood Settlement Grant ngayong taon.


“We’re hoping na by next year addanto pay ti additional fond for the Balik-probinsia program,” ania.


Pinangunahan ng DSWD Ilocos Norte Office at ni Laoag City Mayor Michael Marcos Keon ang pamimigay ng Livelihood Settlement Grant sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) in Laoag City. (Photo Courtesy: City Government of Laoag)

Maaaring mag-inquire ang mga nais mag-avail ng programang ito sa DSWD. Maaaring makakuha ang mga benepisyaryo ng Transitory Family Support Package at Livelihood Settlement Grant.


Ang Transitory Family Support Package ay pagbibigay ng cash grants sa mga pamilyang benepisyaryo upang magamit sa kanilang pangangailangan, habang ang Livelihood Settlement Grant ay gagamitin ng benepisyaryo para makapagsimula sila ng sariling negosyo.


Nagsimula ang programang ito noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.


“One goal of the government ay pabalikin ang mga kababayan natin na naninirahan sa ibang panig ng Manila o any congested areas within the Philippines para makabalik na sila sa kani-kanilang probinsya,” dagdag ni Calapini. (JCR/JPD/EJFG/KSA,PIA Ilocos Norte)


About the Author

Emma Joyce Guillermo

Information Officer 1

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch