Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LGUs sa Metro Manila, nakiisa sa pagunita ng ika-159 taon kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio

LUNGSOD PASIG, (PIA) --Sa pag gunita ngayon Miyerkules, Nobyembre 30, 2022 ng ika 159- taon kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, nakiisa sa pagdiriwang ang mga lokal na pamahalaan sa buong Metro Manila sa pamamagitan ng pag aalay ng bulaklak at programa.

Naging tampok sa pagdiriwang ang Lungsod Caloocan kung saan dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at kung saan din naroon ang pambansang bantayog ni Bonifacio.

Sa Lungsod ng Taguig, pinangunahan naman ni Mayor Laarni Cayetano ang pagtaas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Andres Bonifacio sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City.

Kasama ni Mayor Lani sina G. Jaime Francisco Galvez ng BGC Estate Assoc., G. Jorge Daniel.Bocobo, Punong Barangay ng Ft. Bonifacio, Arch. Reynaldo.Lita, Chief Restoration Architect ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), at ilang mga opisyal at miyembro ng PNP, BFP at Knights of Colombus.

Sa kaniyang naging maikling mensahe, pinarangalan at pinasalamatan naman ni G. Galvez ang mga frontliners na patuloy na nakikibaka sa gitna ng pandemya.

Aniya, mahalaga ang totoong hangarin ng puso sa pagtulong sa kapwa.

Pag-aalay din ng bulaklak at maikling mensahe ang ginanap sa mga lungsod ng Quezon, Maynila, San Juan at iba pang lungsod sa NCR.

Samantala, nagbigay din ng pahayag si DND Officer-In-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., na nagsabing ang selebrasyon ay nagpapakita ng magandang ehemplo, dedikasyon at pag-sasakripisyo para ipaglaban ang kalayaan ng bansa laban sa mga mananakop.

Sinabi ni Faustino na sariwa pa rin sa kaisipan ng mga Pilipino ang ipinakitang tapang ni Bonifacio na binansagang “Ama ng Katipunan.”

Dahil dito, nanawagan sa taumbayan ang opisyal na magkaroon ng pagkakaisa at mahalin ang Pilipinas gaya ng pagmamahal ni Bonifacio sa sariling bansa. (pia-ncr)


About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch