Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PhilSys registration nagpapatuloy sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Nagpapatuloy ang pagrerehistro ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa lalawigang ito para sa Philippine Identification System (PhilSys) card o National ID card.

Ayon kay PSA Sorsogon Supervising Statistical Specialist Gemma Red, umaabot pa lamang sa 612, 851 Sorsoganon ang nakapagparehistro sa target na 729, 000 na bilang base sa kanilang pinakahuling datos nitong ika- 28 ng Nobyembre.

Ang Philippine Identification System (PhilSys) ay nasa ilalim ng RA 11055 o ang Philippine Identification System Act.

Layunin nito na magkaroon ang bawat Pilipino at resident aliens ng single proof of identity na magagamit upang mas mapadali ang mga transaksyon sa public and private businesses.

Magdala lamang ng valid ID o birth certificate sa pagpunta sa registration centers na matatagpuan sa bawat munisipyo. Kinakailangang may kasamang magulang o guardian ang mga 5 years old .

Matatandaan na June 2021 nag umpisa ang pagpaparerehistro para sa Philsys Identification System Card.

Patuloy naman na hinihikayat ni Red ang mga indibidwal na magparehistro na. (PIA 5/Sorsogon)

Ugnayan ng PIA Sorsogon radio program with PSA Sorsogon Supervising Statistical Specialist Gemma Red and Mr. Ian Louie Barbin, PhilSys Provincial Focal Person

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch