Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mayor Honey sa mga Manileño: Gawing inspirasyon ang kadakilaang pinamalas ni Bonifacio

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) –Sa pag gunita ng ika159 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio kahapon, hinikayat ni Manila Mayor Maria Sheilah "Honey" Lacuna-Pangan ang mga Manileño na makiisa, makipagtulungan, at sumunod sa mga tuntunin at batas at gawing inspirasyon ang kadakilaang pinamalas ng bayani.

Sa talumpati ng Punong Lungsod ay kanyang binahagi na bagaman tinatamasa na ang kalayaan sa dayuhan sa kasalakuyan ay patuloy pa rin ang pagharap sa mga panlipunang suliranin.

Si Gat Andres Bonifacio ay isang Bayaning Manileño na tubong Tondo at kilala bilang Supremo ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan.

Siya rin ang nagsilbing kasangga ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Gat Jose Rizal sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Pinangunahan nig punong lungsod kasama sina Bise Alkalde John Marvin "Yul Servo" Nieto, si G. Alvin Alcid ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, si Dra. Maria Magdalena Lim ng Kagawaran ng Edukasyon ng Maynila, si Bb. Jessica Santos ng Tutuban Properties, Inc, si VM Francis Bonales ng The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, at ang Supreme Commander ng Order of the Knights of Rizal ang paggunita sa kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio para sa ika-159 na taon ng kanyang kapanganakan, Miyerkules, Nobyembre 30.

Kasamang nag-alay ng bulaklak ang mga kaanak ni Gat Andres Bonifacio at naroon rin ang mga kinatawan at mga konsehal ng anim na distrito ng lungsod. (mpio/pia-ncr)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

National Capital Region

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch