Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Panawagan ng DA-XI photo contest sa publiko, maging responsable sa pagkonsumo ng bigas

Muling nanawagan sa publiko ang Department of Agriculture sa Davao Region na maging responsable sa pagkonsumo ng bigas upang makatulong sa pagkamit ng rice security sa rehiyon. 

Ang panawagan ay malikhaing ipinarating sa pamamagitan ng isang #BUYANI photo contest na ginanap sa Davao City kasabay ng pagdiriwang ng National Rice Awareness Month na may temang pinamagatang “BeRICEponsible.”

Tampok sa mga kuhang larawan ng mga kalahok ang mga magsasaka, mga palayan at personal na karanasan sa pagsasaka ng palay. Binigyang pugay din nila ang mga rice farmers.

“Let this campaign continue not only every November of the year instead let us always instill within the next generation the importance of valuing every single grain of rice as it represents the toil of every farmer,” sabi ni andres l. Alemania, DA-XI Regional Technical Director for Research and Regulations

Hinikayat naman ng tagapangasiwa ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) na huwag mag aksaya ng bigas at bigyang suporta ang mga local rice farmers. 

“This 6th year theme is a call for every Filipino to do their part to address rice-related issues. Na huwag mag aksaya ng bigas, kumain ng brown rice, haluan ang bigas ng iba pang masustansyang pagkain at bigyang suporta ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagtangkilik at pag konsumo ng mga produktong lokal,” pahayag ni DA-XI RAFIS Chief Elizabeth C. Torio.

Binigyang diin naman ng first place winner na si Jaycelle A. Muaña ang kahalagahan ng bigas at kasipagan ng mga magsasaka sa kanyang photo entry.

“Importante ito sa ating pang araw araw na buhay, sa mga kabataan, at maging sa ating mga trabaho… ang konsepto ko ay para sa mga mahihirap na pamilyang pilipino, na para sa kanila ay kumpleto na ang isang meal kahit kanin lang ang nakahain,” ayon kay Muaña. (PIA-XI/Franchette Delfin)

About the Author

Carina Cayon

Regional Editor

Region 11

Feedback / Comment

Get in touch