Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsasanay sa Advanced Machining Techniques, isinagawa ng DOST sa San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) – Isinagawa kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) Occ Mdo ang tatlong araw na pagsasanay sa Advanced Machining Techniques, na nilahukan ng 20 benepisyaryo ng Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP).

Sinabi ni Ethel Coronacion, Provincial Science and Technology Director (PSTD), na ang aktibidad ay naglalayong higit pang iangat ang kaalaman ng mga partisipante na ang negosyo ay may kaugnayan sa metal works. Aniya, mismong mga inhinyero ng Metal Industry Research and Development Center (MIRDC) ang dumating sa lalawigan upang pangunahan ang nasabing pagsasanay.

Sa website ng DOST-MIRDC, nakasaad ang iba’t ibang pasasanay na kanilang itinuturo sa mga SETUP beneficiaries kabilang na ang machining, welding at fabrication.

Ayon kay Allan Samson, may-ari ng RS Samson Welding Shop at isa sa mga partisipante, marami silang natutunan sa nasabing pagsasanay. Aniya, malaking bagay ito para sa gaya niya na nagre-repair ng sirang gears at parts ng mga makinarya na ginagamit sa bukid, kabilang na ang backhoe. “Noong una, kapag may ginagawa kaming machine parts, pinapakiramdaman lang namin kung tama na ba ang sukat. Pero ngayon, marunong na kaming mag-compute ng eksaktong sukat nito,” ani Samson.

Inamin din ni Samson na kahit matagal na siya sa ganitong linya ng trabaho, limitado pa ang kanyang kaalaman pagdating sa machining, kaya nagpapasalamat siya sa DOST sa pagkakataong ibinigay sa kanila. Hinimok din ng may-ari ng RS Samson Welding Shop ang iba pang katulad niya ang trabaho at negosyo na tangkilikin ang mga kahalintulad na programa ng pamahalaan. (VND/PIA MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch