Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

US Vice President Kamala Harris, bumisita sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Bumisita sa lungsod si US Vice President Kamala Harris nitong Nobyembre 22, 2022. 

Sakay ng Air Force Two nang dumating sa Puerto Princesa International Airport at tinungo agad nito ang isang komunidad sa Barangay Tagburos, partikular na ang komunidad ng mga mangingisda dito upang makausap ang mga ito. Nakausap din ni US VP Harris si City Agriculturist Melissa Macasaet upang malaman ang mga isyung kinakaharap ng mga mangingisda.

Matapos ang pakikipagkita sa komunidad ng mga mangingisda ay tumungo na ito sa Puerto Princesa City Seaport kung saan binisita ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapatrolya sa West PH Sea.

Ayon sa PCG, sina PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr, PCG District Palawan Commander, CG Captain Christopher Meniado, at BRP Teresa Magbanua's Skipper-CG Commander Erwin Tolentino, ang sumalubong kay US Vice President Kamala Harris sa pagbisita nito sa barko kung saan nagkaroon dito ng briefing ang PCG kaugnay ng kasalukuyang maritime operations ng nasabing ahensiya sa Palawan.

Ang kabuuan ng pagbisita ng Ikalawang Pangulo ng Amerika sa Pilipinas at sa Puerto Princesa ay kaugnay ng kahalagahan ng environmental protection at ang climate change, principles of sovereignty, territorial integrity, at freedom of navigation.

Kasama ng Ikalawang Pangulo ng Amerika ang kanyang asawa na si Second Gentleman Douglas Emhoff kung saan dinalaw ng mga ito ang makasaysayang Plaza Cuartel, nag-alay ng bulaklak at nakipagkita rin ito sa mga beterano ng World War II na nasa lungsod.

Ayon sa kasaysayan, nasa 150 mga American prisoner ang sinunog ng mga sundalong Hapon hanggang sa mamatay sa isang tunnel sa nasabing lugar noong World War II. (OCJ/PIAnMIMAROPA)


Top Photos:  Philippine Coast Guard

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch