Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

2 bagong sasakyang panghimpapawid ng PAF, dumating na sa lalawigan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Lumapag kamakailan sa unang pagkakataon sa 203rd Bantay Kapayapaan Brigade ng Philippine Army sa bayan ng Bansud ang dalawang bagong sasakyang panghimpapawid na pandigma ng Philippine Air Force na siyang gagamitin sa pagpa-patrolya sa kabundukan ng buong isla ng Mindoro upang matukoy ang kinaroroonan ng mga rebeldeng grupo.

Agad nagsagawa ng aerial reconnaissance ang AH-1S Cobra Attack Helicopter na kargado ng malalaking kalibre ng baril at rocket launcher na siyang tutulong sa pagsugpo ng insurhensiya sa buong isla habang ang S70i Black Hawk Helicopter ay mayroong bagong baril na kalibre 50, surveillance camera na magagamit sa araw at gabi at maari din magamit sa mga medical evacuation, disaster relief operations, operasyon sa paghahanap at pagliligtas at marami pang iba. Makatulong din ito sa tropa ng kasundaluhan upang mabilis na mapasok ang lugar na pinagkukutaan ng mga teroristang New Peoples Army (NPA) na nananamantala sa lugar.

Samantala, nagpasalamat naman sa pamahalaan si 203rd Brigade Commander ng Phil. Army, BGen Jose Augusto Villareal sa mga bagong sasakyan na ito na siya nilang magagamit para mabilis marating ang mga malalayong lugar upang tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.

Nanawagan din si Villareal sa mga natitira pang kasapi ng teroristang Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na anya, “Sumuko na kayo sa pamahalaan upang makasama na ninyo ang inyong mga mahal sa buhay at makapamuhay ng normal at handa ang kasundaluhan na tumulong sa mga nagnanais bumalik sa gobyerno. Sa mga ayaw naman sumuko ay handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na gamitin ang mga makabago naming kagamitan pandigma para tuluyan ng maubos ang inyong hanay na nananamantala sa isla ng Mindoro.

Magugunita noong Enero ng nakaraan taon ay lumapag sa Calapan City Airport ang dalawa sa 20 S70i Black Hawk lulan si LtGen Antonio Perlade, Jr. para ipakita sa mga lokal na mamamahayag ang kakayahan at lakas nito at handang ipagkakaloob ang isa sa hukbong sandatan na naka base sa Mindoro. (DN/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch