Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paskong Masaya sa Puerto Princesa, sinimulan sa light-a-tree

Pinangunahan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang pagpapailaw ng Community Christmas Tree na itinayo ng pamahalaang panlungsod sa Balayong People's Park. Ang pagpapailaw nito ay hudyat rin ng pagbubukas ng Masayang Pasko sa Puerto Princesa City. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Sinimulan sa pagpapailaw ng Community Christmas Tree ang pagdiriwang ng Paskong Masaya sa Puerto Princesa nitong Disyembre 1, 2022.

Ang Paskong Masaya sa Puerto Princesa ay kinapapalooban ng pagdiriwang ng Pista ng Immaculada Concepcion, pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon. Ang pagpapa-ilaw ng nasa 110 talampakan na Christmas Tree ang naging hudyat ng pagbubukas ng pagdiriwang na ito.

Nagsilbi namang ulat sa bayan ang naging mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa okasyon ito kung saan inilahad niya ang mga kasalukuyang programa, proyekto at serbisyong ipinatutupad ng kanyang administrasyon gayundin ang mga mga proyekto at programang ipatutupad pa nito sa loob ng kanyang administrasyon tulad ng mga naglalakihang proyektong pang-imprastruktura, programa para sa edukasyon, agrikultura, pangkalusugan at marami pang iba.

Ilan sa mga binanggit nito ay ang pagpapaunlad ng Cuyito Area kung saan balak nitong gawing pangunahing atraksiyon ng lungsod ito sa pamamagitan ng pagtatayo dito ng 5,000 capacity convention center, pagpapaganda ng cruise ship wharf at pagkakaroon ng five-star hotel at iba pang pasilidad para sa pagpapaunlad ng turismo, at mangyayari lamang ito anang alkalde kapag nailipat na ang lahat ng informal settlers dito.

Isa pa sa binanggit ng alkalde ay ang pagpapaunlad Environmental State sa Brgy. Sta. Lucia na i-kokonekta sa Cuyito Area sa pamamagitan ng cable car.  Ang Acacia tunnel sa Brgy. Inagawan na tatayuan ng canopy walk, view deck, picnic area at restaurants, maging ang Balayong park na lalagyan ng Screaming Eagle Zipline, at food court and restaurants.

Isasaayos din aniya ang Puerto Princesa City Coliseum, Honda bay wharf construction at iba pang pasilidad.

Sa sports tourism naman ay ang patuloy na hosting ng siyudad sa ironman event na magaganap hanggang sa susunod na tatlong taon at handa na rin aniya ang lungsod para sa iba pang sports event.

Tuloy-tuloy din ang konstruksiyon ng City Health Office na kapag-natapos ay makakapagbigay ito ng mas malawak na serbisyong pangkalusugan.

Sa kasalukuyan ay isa sa mga atraksiyon sa Balayong People’s Park ang pinailawan nang Community Christmas Tree na ipinatayo ng pamahalaang panglungsod. (OCJ/PIA MIMAROPA)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch