Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sen. Imee Marcos, bibisita sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Nakatakdang dumating ngayong umaga ng Disyembre 3, 2022 sa lalawigan ng Palawan si Senador Imee Marcos upang pangunahan ang pamamahagi ng Assistance In Crisis Situation (AICS).

Sa impormasyong nakalap ng PIA-Palawan, unang tutunguhin ni Sen. Imee Marcos ang Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza bandang 9:00AM at bandang 10:00AM naman ay tutungo ito sa Barangay Ransang sa bayan ng Rizal.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Palawan SWAD Team Leader Eric Aborot, 1,000 IPs/Fisherfolks/Farmers ang mabibigyan ng AICS sa Bataraza at 1,000 IPs naman ang sa bayan ng Rizal. Ani Aborot, ang ipapamahaging ayuda ay mula sa pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD.

Para sa Bataraza ang mga benepisyaryo nito ay ini-refer ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos sa pamamagitan ni Governor Victorino Dennis M. Socrates, samantalang ang sa Rizal naman ay ini-refer din ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos sa pamamagitan ni Palawan 2nd District Representative Jose C. Alvarez.

Dagdag pa ni Aborot na matapos mai-refer sa kanina ang listahan ng mga benepisyaryo ay sumailalim ang mga ito sa assessment ng kanilang social workers upang matukoy kung ang mga ito nga ay nasa crisis situation.

Ang DSWD rin aniya ang magpi-pay out ng nasabing benepisyo sa nabanggit na mga munisipyo kung saan ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng tig-P3,000.00

Ang pagbisita ng senadora sa Palawan ay iniulat ng PNP-Palawan Provincial Police Office (PNP-PPO) sa pinagsamang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), PTF-ELCAC at PADAC nitong Disyembre 2, 2022. (OCJ/PIA-MIMAROPA)


Topmost photo from Sen. Imee Marcos Facebook Page

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch