Sa muling paglulunsad ng Bakunahang Bayan Part 2 na nagsimula kaninang alas-dyes ng umaga, Disyembre 5, nanguna ang ilang mga empleyado ng iba’t ibang stall sa SM City Tuguegarao kung saan bawat indibidwal ay nakatanggap ng libreng pagkain at Noche Buena package mula sa CV-CHD.
Resulta ito ng pinaigting na kampanya ng Regional Vaccination Operation Centers ng CV-CHD sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa mga walk-in na magpa-booster na.
Sa oras na alas-kwatro ng hapon ngayong araw ay umabot na sa 60 ang bilang ng nagpapa-booster.
Sa naging mensahe ni Regional Director Dr. Amelita M. Pangilinan, binigyang-diin nito na ang bakuna laban sa COVID-19 ang magiging pinakamagandang regalo na pwedeng ibigay ng bawat isa sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
“We are again at the season of giving and sharing, and these vaccines are our greatest gift that we can give from the DOH to your communities. We hope that each one of you have a merry, safe, and healthy Holiday Season ahead,” ani ng regional director sa isinagawang press conference.

“Kung may mapadpad dito [SM City Tuguegarao] na magsho-shopping na still not vaccinated, yun po yung mga target natin dito sa loob [ ng SM City Tuguegarao]. This campaign was initiated because we want to reach every Filipino to experience a safe and happy Holiday Season,” dagdag niya.
Ayon naman kay Assistant Regional Director Dr. Mar Wynn Bello, epektibo pa rin ang mga COVID-19 vaccines na itinuturok sa ating bansa laban sa banta ng anumang variant ng COVID-19 base na rin sa pagaaral ng mga siyentipiko.
“Nagpapasalamat ako sa DOH dahil idinadala nila ang ganitong programa sa mga malalaking mall kagaya ng SM City Tuguegarao dahil bukod sa mas komportable ito,” ani Redemtor Dela Cruz, ang pinakaunang indibidwal na nabakunahan sa isinasagawang Bakunahang Bayan.
Samantala, nagpapasalamat naman si Kristine Iris V. Ceballos, ang mall manager ng SM City Tuguegarao sa muling pagkonsidera sa kanila bilang partner sa Vaccinatiopn Program ng DOH.
“As always since Day 1 of the roll out of vaccination, you can always count SM Supermalls as your partner. All-out support tayo including our tenants. We ensure that our tenants and tenant employees are fully vaccinated,” sinabi ni Ceballos.
Ang Bakunahayang Bayan na isinasagawa sa SM City Tuguegarao ay nagsimula ngayong araw, Disyembre 5 at matatapos sa Disyembre 7. Ang Vaccination Site ay matatagpuan sa 2nd floor ng SM City Tuguegarao partikular sa may Wellness Area nito malapit sa SM Store. Bukas ito mula 10 ng umaga hanggang 6 ng gabi sa mga nabanggit na petsa. (MDCT/PIA Region 2)